top of page

SPECIAL REPORT: Hinagdanan Falls, isang nakatagong paraiso, handa na ba ipakilala sa mga turista?


Sa liblib na lugar ng Barangay San Vicente nakatago ang isang paraiso, na kailan lang naipakilala sa publiko ang - Hinagdanan Falls, ito ay isang maliit na talon na nakatago sa bundok na kung saan ay naka konekta sa isang ilog. bago mo marating ang nasabing paraiso kailangan mong maglakad ng dalawa hanggang tatlong oras mula sa barangay.

Isa lamang ang talon na ito sa ipinagmamalaki ng bayan ng Roxas, nagpapatunay ito na buhay na buhay pa ang kagubatan sa Mindoro. Kailan lang ay dinadayo na ito ng mga lokal na turista at mga taga ibang lugar, sikat dito ang malinis nitong tubig na nanggagaling mismo sa bundok, idagdag mo pa dyan ang katahimikan ng lugar kung saan huni lamang ng ibon at pag agos ng tubig ang iyong maririnig, sadya talagang nakaka "Relax" tamang tama ngayong tag-init.

Pero panahon na nga ba talagang ipakilala ang nasabing paraiso sa mga turista sa labas ng Mindoro?

Isa sa mga dahilan kung bakit ito ipinakilala sa publiko ay para makatulong sa turismo hindi lamang ng Bayan ng Roxas kundi sa buong Mindoro, kailan lang ay nagtagumpay ang mga lokal na mamamayan at lokal na Gobyerno ng Bayan ng Bulalacao para i-promote ang natatanging ganda ng kanilang mga isla, dumami ang turista na pumunta dito at marami ring positive reviews sa naturang lugar.

Ngunit marami ring nagsasabi na hindi pa ito ang tamang panahon para buksan sa publiko ang nasabing talon, isa sa mga dahilan nito ay ang pagdami ng turista at pagdami din ng basura na magreresulta sa pagkasira sa lugar. hindi masama ang pagdami ang turista sa lugar sapagkat sa pagsabay ng dami nila sabay din dito ang kita ng mga lokal na mamamayan na malapit sa talon, pero halos sa panahon ngayon na dagsa ang mga tao sa mga pupuntahan nagiiwan din sila ng mga marka kung saan nakakasira sa lugar.

Matatandaan na isasara ng anim na buwan ang isla ng Boracay dahil sa umanoy naging "Cesspool" na ito, at natatakot ang ibang mamamayan na baka mangyari ito sa ibang lugar sa Pilipinas dahil sa kapabayaan.

Hindi masamang ipakilala ang naturang paraiso sa mga turista, makakatulong ito sa turismo at sa mga mamamayan, pero kailangan din nating isipin na ang mga lugar na iyan ay hindi sa aatin kundi sa kalikasan kaya kailangan nating alagaan at panatilihin ang ganda nito para manatili itong PARAISO.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page