top of page

Roxas News Investigates: Pagtaas ng pamasahe sa mga pampasaherong VAN


Naging maiinit na issue noong mga nagdaang araw ang pagtaas ng pamasahe ng mga pampasaherong van na byaheng Calapan-Roxas at pabalik, tumaas kasi ng doble sa nakasanayang pamasahe. unang paliwanag ng (UNIFIED TRANSPORT GROUP ORIENTAL MINDORO VAN) na tumaas ang pamasahe dahil sa pagsunod nila sa memorandum noong 2007, kung saan inaprubahan umano ng LTFRB ang taas pasahe ng mga Van Transport.

pero matapos ang mahigit 11 na taon, doon lang nila ito sinunonod kung saan dagsa ang pagtaas ng presyo ng bilihin at ang pagpasa ng TRAIN law, paliwanag nila, dahil daw ito sa sa di maayos ayos sa sistema. ilang taon din na tumaas ang presyo ng gasulina at krudo ngunit ang pagtaas ng presyo noong mga nakaraang taon ay hindi nagbago. kaya nagtataka ngayon at nagkakaroon ngayon himutok ang mga pasahero.

pero sa aming nakuhang source, talagang hindi umano aprubado ng kasalukuyang LTFRB ang biglaang pagtaas ng pamasahe ng mga naturang Van transport, pero hindi nila itinatanggi na mayroong aprubadong memo noong 2007 para sa pagtaas pasahe ng mga Van, nagkaroon lamang daw ng kalituhan sa records. kaya noong unang ipinatupad ng mga transport Van ang increase sa pasahe, nagulat din sila at humingi ng tulong sa LTO para hulihin ang mga Van. pero binawi din ng LTO ang paghuli ng nalaman nila na sinusunod na ng mga operators ang memo na nagaapruba ng pagpapataas nila ng pasahe. pero paglilinaw ng LTFRB gayun man na may memo ang mga transport van na noon pang 2007, pwede daw na hindi pa ito effective ngayong taon at maaring hindi ito maging effective kung hindi ipapaalam ng naturang transport group ang kanilang pagtaas ng pamasahe at basta sumunod lang ng biglaan sa memo na noong 2007 pa naaprubahan.

pero paglilinaw parin ng LTFRB, kung masusunod man ang naturang taas pasahe, ito lamang ay para sa mga may prankisa o authorize na mag operate, at hindi pwede sa mga kolorum na van, at kapag lumabag sila ay paapatawan ng nararapat na parusa.

Gayun paman ang pinakamahalaga sa lahat kung tumaas man o hindi ang pamasahe, ay ang safety ng bawat pasahero. ilang beses narin narereklamo ang mga operator ng ilang van dahil sa overloaded na pagpapasakay nila at mga minsa'y masusungit at hindi mapakiusapang mga drivers.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page