"Kutkot" Isang kakaibang tradisyon ng mga Mangyan na patuloy na pinagdiriwang
Sa Mansalay, Mindoro Oriental – isang tradisyon para sa mga patay ang pilit na isinasabuhay ng mga Hanunuo Mangyan.
Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang lolo Juan ng katutubong si Aileen. Ang huling habilin daw nito, ang isagawa sa kanya ang ritwal na “Pangutkutan.” Tatlong buwan itong pinaghandaan ni Aileen at pinagkagastusan pa ng sampung libong Piso.
Parte ng ritwal na ito ang mismong paghukay sa mga labi ng yumao, ang bihisan ito ng tradisyunal na kasuotan saka hahainan ng pagkain. Isasayaw din ng mga katutubo ang “Taruk” habang pasan sa kanilang balikat ang ibinalot na buto ng kanilang yumao.
Sa pagtatapos ng Pangutkutan, ililipat mga ang labi ni lolo Juan sa isang kuwebang itinuturing na sagrado ng mga Mangyan. Pero dahil nilapastangan na ito ng mga naghuhukay at nagbebenta ng mga buto, saan na kaya ang magiging huling hantungan ni lolo Juan?
(c) iWitness Documentaries- GMA News