top of page

Malalang Signal ng Cellular phone sa ilang lugar Roxas, lalong lumalala?

Isa sa mga matagal ng problema ng ilang Barangay sa Roxas ang kawalan o mahinang signal ng kanilang cellular phone. ilang taon na itong tinitiis ng mga Roxaseno. ang mga ilang mamayan ay nasanay ng ilagay ang kanilang mga mobile devices sa iisang lugar lang kung saan may signal, minsan sa kanilang mga bintana o minsan naman ay sa mga mataas pang lugar. pero ang problema parin ay mahina ito.

isa sa mga dahilan nito ay bilang lang sa kamay ang mga cellular tower sa bayan ng Roxas, ang mga tower na ito ay ilang kilometro lang ang distance na kayang abutin para mag transmit at mag deliver ng nararapat na signal, patuloy naman ang maintenance ng mga tower, pero kailangan parin ng mga additional sites na malapit sa mga malalayong baranggay para mas mapabilis at mas mapalakas pa ang signal ng mga mobile devices,

pero ayon sa mga nakausap naming lokal na Roxaseno, lalo daw lumalala ang signal sa kanilang baranggay. mahirap na daw humanap ng stable na signal, at pahirapan narin daw ang pag gamit ng cellular data para makapag internet, dati meron daw ang silang specific spot kung saan malakas ang signal, pero ngayon nawawala wala. Swerte na daw at minsan lang kung makahanap sila ng ibang spot kung saan malakas ang signal.

ayon sa local na pamahalaan, nagkaroon na ng plano na magtayo ng mga nasabing tower sa baranggay san mariano, pero hindi ito napagplanuhan ng maayos at nagkaroon pa ng problema sa lokasyon kung saan ilalagay ang naturang tower, kaya naisantabi muna ito at ngayon ay ayon sa kanila unti unti na ulit sinisimulan.

mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na signal ng mga mobile devices, sa pagkakataong emergency at sa pagsunod sa umuusbong na teknolohiya at ang pinakamahalaga sa lahat ay para sa mga kababayan nating malalay

na madaling makausap ang kanilang mga kamaganak sa malalayong lugar.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page