Airport ng Wasig, balak irenovate at magkaroon ng local Flights
Ilang paguusap na ang ginagawa para gawing Local Airport ang Wasig para magkaroon ng local flights, mas kilala ang lugar sa mga lokal na "Landing", ang naturang Airport ay na nasa Bayan ng Mansalay, ang Airport na ito ay nasa category ng "Airstrip" at ginagamit para sa Emergency Landing at paminsan minsan ng mga "General Aviation" para mag "Cross country flight". Huling nagamit ito noong nakaraang January lamang ng mag Landing ang isang Cessna na dala ng isang Piloto na taga Roxas, ang naturang eroplano ay pagmamayari ng isang school na nakabase sa San Jose Occidental
Hindi narin nagamit ang Airport dahil sa ginawa na itong pastuhan ng mga baka ng mga lokal at kumapal narin ang mga puno sa tabi nito na nagdulot ng problema sa Runway. kaya masusing pagaaral at renobasyon para maging active Airport ito.
Kung matutuloy man ang plano sa Airport, magiging mahalagang tulay ito para sa pag usbong pa ng turismo sa probinsya, at mapapabilis ang transportasyon ng mga lokal gamit ang Air Transportation.