165 Million years old na fossils ng "Ammonites" natagpuan sa Mansalay
Kinilala ang bayan ng Mansalay bilang "Jurassic Park of the Philippines" ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) dahil sa mga natagpuang fossils ng "Ammonites" simula pa noong
1940s, ang mga naturang fossils ay estimated na 165 million years old na, at ang isang mga nakuhang fossils ay nakadisplay ngayon sa Pambansang Museyo ng Pilipinas.
Isa sa mga unang kumulekta ng mga naturang fossils ay si ginang Susan Belen Viana residente ng bayan ng Mansalay, na unang nagkokolekta lamang mga magaganda at makikinis na bato at nang tumagal ay namagsimula narin siya na maghanap ng mga nasabing "Ammonites" at unti unting itong dumami tulong narin ng kaibigan niyang Mangyan, siya rin umano ang nakarating sa isang lugar na punong puno ng umanoy "Ammonites" na ayon sa kanya nang nagkaroon ng malakas na bagyo ay kasama itong natabunan ng lupa.
Ang ilan sa kanyang mga koleksyon ay naka exhibit sa ilang mga School Science Fair at minsa'y nanalo pa sa isang proyekto ng mga studyante para sa isang malaking patimpalak.
Ang mga "Ammonites" ay Fossil Shells na nanirahan sa dagat 165 million years na ang nakakalipas, kabilang sila sa tinatawag na "Cephalopods" mga lamang dagat katulad ng octupus, squid at cuttlefish