top of page

Tulay na magdudugtong sa Probinsya ng Mindoro at Batangas, matutuloy nga ba?


Isa sa mga bulong bulungang balita noong mga nakaraang taon sa buong probinsya ng Mindoro ay ang pagkakaroon ng tulay kung saan konektado sa Mindoro at Batangas, ang nasabing tulay daw kung magagawa ay magiging isa sa pinakamahabang tulay, hindi lamang sa buong Pilipinas, kundi sa buong Asya, ito rin ang magiging unang "Floating Bridge sa Asya." laking ginhawa din ito para sa mga Mindoreno dahil mas magiging ligtas at mas mapapabilis pa ang kanilang byahe.

Ang tulay na ito ay estimated na magkakahalaga ng US $ 1.2-1.8 Billion, o PHP 18 Billion at planong itayo sa habang : 15 kilometro, kung saan mula sa Batangas city hanggang Verde Island kung saan 6.5 kilometro ang layo, at Verde Island hanggang Calapan city, kung saan naman ay 8.5 kilometro ang layo. magkakarron ito ng 2-4 lanes, Ang tulay din daw ay kaya para sa malalakas na bagyo, kung saan kaya nitong i-withstand ang isang cyclone na 350 kph ang lakas. kung matutuloy man ang pag construction sa nasabing tulay, aabutin ito ng 5 taon para magawa.

Pero gaano nga ba katototoo ang balitang ito? ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang naturang tulay ay nasa planning stage pa lamang, pero ang nasabing project din ay pinagplanuhan pa noong si President Ferdinand Marcos pa ang nakaupo, gusto daw noon ng Pangulo na magkaroon ng maraming tulay na katulad ng San Juanico Bridge, kung saan project niya ito. Pero kumpirmadong nagusap na ang kasalukuyang Governor na si Boy Umali, at ang Governor ng Batangas tungkol sa nasabing plano. Nagkaroon din ng meeting ang San Miguel Corporation kay Gov. Umali para sa kanilang interest na itayo ang tulay.

Matuuloy nga ba ang tulay?

Ayon sa DPWH, nasa stage palang sila na magrerequest na magkakaroon ng meeting sa Provincial Government kung paano magpapatuloy sa project kung saan uumpisahan ang Evaluation, at finafinalize palang daw ang mga posibleng mag Sponsor sa proyekto. pero planado na na ang Far East Mega Builders Corporation (FEMBC) magiging contractors ng nasabing tulay.

Kung matutuloy man ito magiging malaking lugi ito para sa mga nag ooperate at sa mga kompanya ng mga nakasanayang Barko papunta at pabalik ng Mindoro, dahil sa siguradong mas pipiliin na ng mga tao ang mas mabilis at ligtas na Byahe, estimated na kung magagawa ang tulay magiging 30 minutes nalang ang byahe papuntang Mindoro galing Batangas


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page